Wednesday, August 3, 2011

Kwento ni Mabuti

Warning: Hindi po siguradong ito ay nasa teoryang Feminismo ngunit sinuri ko po ito at napagtanto na ito ay nasa teoryang nasabi. Sa katunayan, bawat akda ay maaring naglalaman ng maraming teorya. 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Teoryang Feminismo
Unang Akda
Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute
I.            Tauhan
Lapad na Tauhan:
Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang salitang “mabuti”. Matatag sa pagsubok sa buhay.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan ang paulit-ulit na kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para sa ibang babae.
Bilog na Tauhan:
Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti at naging interesado sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

II.   Tagpuan
Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan
III.Banghay
Panimulang Pangyayari
       Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Suliranin
          Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.


Kasukdulan
            Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Kakalasan
           Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.
Wakas
          Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV.              Mga Leksyon o Aral
v  Huwag kang makiapid.
v  Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.
v  Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.
v  Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.
v  Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.
v  Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.
v  Ang babae ay matatag sa mga problema lingid sa kaalaman ng mundo.

V.                      Bisang Pangkaisipan
-          Ang kababaihan ay tunay na matatag sa mga problema.
-          Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating pangalawang magulang at dapat natin silang tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng kanilang mga sakripisyo para sa atin.


VI.              Bisang Pandamdamin
-          Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga nakasaad sa kwento, sa harap ng klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis siya sa sulok ng silid-aklatan.  Naitatago niya ang kanyang damdamin at namamangha ako sa pagiging matatag at positibo niya.
-          Naiinis ako sa asawa ni Mabuti dahil iniwan siya si nito pati na rin ang kaniyang anak para lang sa ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahil binalikan siya ng mga kasamaang ginawa niya.

VII.     Bisang Pangkaugalian
-          Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila ay kalahati na ng ating buhay.
-          Dapat igalang natin ang ating mga guro.
-          Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.

VIII.                  Buod
                Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.
Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.
wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan. 

65 comments:

  1. Thank you very much :D

    ReplyDelete
  2. buong galak kung banggitin ang taos-pusong pasasalamat sa pasusuri ninyo sa kwentong ito.. lubos itong nakatulong sa pag-unawa ko sa buong katauhan ng kwento..

    ReplyDelete
  3. walang anuman :) natutawa naman akong marinig iyan.. noong high school ko pa ito ginawa :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat idol! Malaking tulong ito

      Delete
  4. maraming salamat :)) ang laking tulong nito sa takdang-aralin ko :))

    ReplyDelete
  5. THANK YOU FOR YOUR INFORMATION ABOUT THIS STORY
    MAY THE LORD BLESS YOU A LOT


    Katherene

    ReplyDelete
  6. YOU HELP ME A LOT ABOUT MY HOMEWORK THANKS VERY MUCH


    KATHERENE

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bakit po ba sya tumatangis sa silid aklatan pasagot naman po ng tanong ko

      Delete
  7. thank you! this helped a lot! =))

    ReplyDelete
  8. maraming daghang salamat sa tulong tabang na gi ibinigay hatag nyo nimo sa akin akoa

    ReplyDelete
  9. pinaunlad mo ang pilipinas ng konti, salamat!!

    ReplyDelete
  10. THANKS SO MUCH..... MAY SAGOT NA AKO SA AMING ASSIGNMENT.

    ReplyDelete
  11. this is reymart g. medilo from slsu san juan, san juan, so. leye.BSED STUDENT.FILIPINO MAJOR. tnx much ,,may nisagot na ako sa aming assignment. god bless you!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  12. OMG, thanks for the help, I hope to see more examples of this...

    ReplyDelete
  13. WRONG SPELLING UNG IBA!!!\

    ReplyDelete
  14. John Vincent DoctamaOctober 31, 2016 at 7:03 AM

    Ang pangalan po nung estudyanteng nagkukwento ay Fe. Share ko lang po na makikita po natin sa linyang " Mabuti.... mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe - iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin....:

    ReplyDelete
  15. thank you po kya laking tulong po nito sa suring basa ko,THANK YOU PO!!!:-)

    ReplyDelete
  16. maraming salamat po malaking tulong na po ito sa suring basa ko 😊😊

    ReplyDelete
  17. Bakit po ba sya tumatangis sa silid aklatan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka para malimutan ang nangyari sa kanyang asawa?

      Delete
  18. Maraming salamatttt

    ReplyDelete
  19. Patunay po sa pagiging isa nitong akdang feminismo?

    ReplyDelete
  20. Sobrang thankful po kami salamat po

    ReplyDelete
  21. Nahing paglalapat mg mga elemto ng awtor sa sinuring akda?

    ReplyDelete
  22. maganda ang iyong pagsusuri sa kwento

    ReplyDelete
  23. ito ay magagamit sakin paaralan

    ReplyDelete