Sunday, January 27, 2013

Depinisyon ng Wika sa Iba't-ibang Pananaw


Wika
I.                   Depinisyon

A.    Depinisyon ayon sa dalubwika

·         Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.
Sapir, Edward. Language: An Introduction to the Study of Speech. 1921

B.     Depinisyon ayon sa ordinaryong tao

·         Ayon sa aking pinsan na si Nico Padasas, isang mag-aaral na nasa ikalawang taon sa mataas na paaralan, ang wika ay isang bagay na nagbibigkis sa bawat mamamayan ng isang pamayanan, bayan, rehiyon o bansa para maging mahusay ang daloy ng pamamahagi ng impormasyon para sa kapakinabangan ng marami.
Padasas, Nico. Personal na Panayam. November 17, 2012

C.     Depinisyon ayon sa sariling pananaw

·         Sa aking sariling pananaw, ang wika ay isang konseptong ginagamit ng isang grupo ng tao upang magkaroon ng koneksyon sa bawat isa upang mas mabilis at episyenteng maihatid ang mga impormasyon. Ito ay isang mahalagang salik sa pag-unlad ng isang pamayanan sa lahat ng aspeto – intelektuwal, teknolohikal, ekonomikal, pulitikal, espiritwal at iba pa.

·         Ang wika ay ang paraan ng pakikipagtalastasansa iba’t-bang paraan. Ito ay hindi permanente, nagbabago ito ayon sa mga maliit at malalaking pagbabago sa daigdig sa pagdaan ng panahon.

17 comments: