Wednesday, August 3, 2011

Talaga... Lalayas na Ako

Warning: Hindi po sigurado na ito ay nasa teoryang Feminismo. Sinuri ko po ito at napagdesisyunang ito nga ay na teoryang nasabi. Sa katunayan, lahat po ng akda ay maraming pwedeng maging teorya. Salamat.
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Teoryang Feminismo
Unang Akda
Talaga… Lalayas na Ako- Alfonso Sujeco
I.                               Tauhan
Bilog na Tauhan:
Lyn- isang dalagitang pinahihigpitan ng kanyang ama.
Mang Nilo- protektado ang anak sa kanya ngunit labis ang kahigpitan.
Lapad na Tauhan:
Amy- kaibigan ni Lyn at laging nasusunod ang layaw.
Armando- kasintahan ni Amy,
Josie- kabarkada ni Lyn.
Aling Sabina- ina ni Lyn, maunawain at mapagmahal na ina

II.               Tagpuan
Sa pamantasan na pinag-aaralan ni Lyn at mga barkada
Sa tahanan ni Lyn
III.       Banghay
Panimulang Pangyayari
       Nakasungaw si Lyn sa bintana ng kantina ng kailang pamantasan nang yayain siya ni Amy at iba pang barkada na sumama papuntang Corregidor at mamasyal kasama ang buong klase.

Suliranin
          Hindi pinayagan si Lyn ng ama bagamat pumayag ang ina. Masama ang loob ni Lyn sa ama dahil sa nakasasakal na proteksyon ito sa kanya. Gusto niyang lumaya ngunit siya ay nasa kuko ng ama.

Kasukdulan
            Nagdesisyon si Lyn na lumayas ngunit wala siyang matutuluyan at maraming magiging problema kaya’t nagplano siya ng matagal. Siya ay nagimpok, naghanda ng damit, nagbawas ng pakikihalubilo sa barkada, nag-aral (dahil isang taon na lamang ay magtatapos na siya at para makakuha agad siya ng trabaho) upang makapaghanda sa nalalapit niyang paglayas.

Kakalasan
          Napag-alaman ni Lyn na ang kanyang mga kaibigan ay nasasadlak sa pighati dahil sa hindi na sila nakapag-aral dahil sa maagang pag-aasawa o ‘di kaya’y mababa ang grado. Kasabay ng paglagapa ng mga kaibigan ni Lyn ay ang pagtaas ng kanyang grado at higit sa lahat, ang paghirang sa kanya bilang summa cum laude ng kanyang pamantasan. Dahil doon, hindi na itinuloy ni Lyn ang binabalak na paglalayas.
Wakas
          Binati si Lyn ng ama at ipinahatid ang isang magandang balita, pinalalaya na siya nito. Tapos na raw ang obligasyon nito sa kanya kaya’t malaya na si Lyn na gawin ang kagustuhan. Nabatid ni Lyn na tama ang ginawa ng ama at kung ano siya ngayon ay dahil sa ama. Naging matagumpay si Lyn sa buhay at naging masaya at maayos ang kabuhayan. Napagtanto ni Lyn na tunay na “ Alam ng magulang ang pinakamabuti para sa anak.”

IV.              Mga Leksyon o Aral
v  Ang kababaihan ay talagang maramdamin kaya’t ipaliwanag lahat sa kanila upang hindi umabot sa tampuhan.
v  Ang magulang ang higit na nakakaalam ng pinakamabuti para sa anak.
v  Huwag maging matampuhin sa magulang dahil lahat ng ginagawa nila ay para sa iyo.
v  Walang magulang ang nais masaktan ang anak.
v  Unahin ang pag-aaral bago ang luho.
v  Nasa huli ang pagsisisi.

V.                      Bisang Pangkaisipan
-          Dapat nating isaisip na ang kababaihan ay sadyang mapagdamdam kaya dapat ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa kanila.
-          Ang kabataan ay sadyang nagpapadala sa bugso ng damdamin.

VI.              Bisang Pandamdamin
-          Naiintindihan ko si Lyn ngunit kalianman ay hindi papasok sa aking isip ang paglalayas dahil mahal ko ang aking mga magulang. Gayunpaman, natutuwa ako sa mga naging desiyon ni Lyn.
-          Nakapagtatampo ang ugali ni Mang Nilo dahil masyado siyang mahigpit at ito’y nakasasakal sa isang kabataang tulad ni Lyn.

VII.     Bisang Pangkaugalian
-          Dapat igalang ang mga magulang.
-          Dapat bigyan natin ng paminsan-minsang kalayaan ang kabataan.
-          Dapat maging mabuting anak at mag-aaral para sa pagsasaayos ng kinabukasan.



VIII.                     Buod
                Ang kuwento ay tungkol sa isang dalaga na pinaghihigpitan ng kaniyang ama at iyon ay si Lyn isang kolehiyala. Napag-isipan niyang maglayas upang makatakas sa paghihigpit ng kanyang ama at maging malaya.
                Napag-isipan niyang mag-ipon muna bago maglayas habang naghihintay ng tamang pagkakataon ng paglalayas nang dumating na ang tamang pagkakataon na yaon ay nasa ikatlong taon na siya at isang taon na lang ay magtatapos na siya kung kaya’t napagdesisyunan niya munang tapusin ang huling taon niya sa kolehiyo itinuon niya lahat ng oras panahon sa pag-aaral kung kaya’t nakapagtapos siya summa cum laude na labis na ikinatuwa ng kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama.
                 Nang matanggap niya ang diploma ay sinabihan siya ng kanyang ama na “Simula ngayon anak, malaya ka na at maari mo nang gawin ang naisin mo dahil tapos kana ng koleyiho at kaakibat nito ay ang pagtatapos ng obligasyon ko sa iyo,” napagtanto ni Lyn na sa loob ng mahabang panahon ng paghihigpit ng kanyang ama ay para din pala sa kanyang ikabubuti kasabay ng pagbanggit niya ng “Sasangguni din po ako sa inyo ni nanay sa mga gagawin kong desisyon”. 

14 comments: