Wika sa Librong "A Past Revisited" ni Renato Constantino
Ang
aklat na “A Past Revisted”, ikaunang tomo, ay hitik sa impormasyong
pangkasaysayan. Simula sa mabilis na paglalarawan sa primitibong pamumuhay ng
mga unang Pilipino hanggang sa panahon ng malaking pag-unlad, itinalakay niya
ng mahusay ang mga pangyayari, lalo na sa panahon ng mga Kastila.
Ang
libro ay isinulat sa wikang Ingles. Isa ito sa mga kalakasan ng libro, ngunit
hindi rin maitatanggi na malaking balakid ito sa mga mambabasa.
Mga Advantages
·
Madaling maiintindihan ng mga
historyador sa iba’t-ibang panig ng mundo ang kasaysayan ng Pilipinas.
Magkakaroon sila ideya ukol sa mahahalagang pangyayari sa Pilipinas bukod sa
dati nilang alam na ang bansa natin ay isa lamang sa mga maliliit na
teritoryong sinakop na iba’t-ibang kolonyalista. Dahil dito, makikilala ang kasaysayan ng
Pilipinas bilang isang mahalagang salik ng paghubog ng mundo.
·
Magkakaroon ng interes ang iba’t-ibang
lahi sa ating bansa sa oras na mabasa nila ang ating kamangha-manghang
kasaysayan.
Mga Disadvantages
·
Hindi gaanong maiintindihan ng mga
Pilipino, partikular ng mga mag-aaral na nagbabasa nito, ang mga nakasaad sa
libro. Dahil dito, ang kaalaman ng mga Pilipino ukol sa ating kasaysayan ay
hindi maipapasa ng episyente sa bawat henerasyon.
·
Sino nga ba ang may higit na interes sa
kasaysayan ng Pilipinas? Siguradong ang mga mamamayan ng Pilipinas ito. Bukod
sa bahagi ito ng paglinang ng kultura ng bansa, ito rin may malaking
partisipasyon sa pagsagot sa mga katanungan ukol sa pangkasalukuyang isyu
(kahirapan, pulitika, tradisyon etc.) na higit na binibigyang halaga ng mga
Pilipino
No comments:
Post a Comment